Isinampang kaso ng kampo ni Edgar Matobato sa International Criminal Court, dinedma…prangkisa naman ng ABS-CBN, haharangin!

Manila,Philippines – Binalewala lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inihaing komunikasyon sa International Criminal Court ni Atty. Jude Sabio kaugnay ngumano’y Extra Judicial Killings sa bansa.

Sabi ng pangulo, hindi siya mag-aaksaya ng panahon para intindihin pa ang inihaing reklamo sa ICC laban sa kanya.

Kasabay nito, muli ring binanatan ni Duterte ang ilang media organizations kabilang ang New York Times na kamakailan lamang ay naglabas ng editorial na nang hihikayat sa ICC na agad imbestigahan ang pangulo.


Napag-initan din ng pangulo maging ang ABS-CBN at pahayagang Philippine Daily Inquirer.

Tinukoy nito ang umano’y pagtanggap ng pera ng naturang TV Network para sa kanyang campaign advertisements na hindi naman ipinalabas noong campaign period.

Babala pa ni Duterte, hindi niya lalagdaan ang renewal ng prangkisa nito na mapapaso na ngayong taon kung magpapatuloy ito sa kanilang ginagawang pagbabalita.

Facebook Comments