Isinampang reklamo laban sa kanila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court, malabong umusad ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na hindi state sponsored o hindi pinapayagan ng pamahalaan ang extra judicial killings sa bansa.

Sagot ito ni Dela Rosa sa isinampang reklamo sa kanya sa International Criminal Court tungkol sa crime against humanity ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, alam naman niyang layunin lang ng naturang reklamo na ipahiya si Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Summit.


Sabi pa ni Dela Rosa, nakasisigurado rin siyang walang makukuhang suporta ang isinampang reklamo laban sa Pangulo.

Kumbinsido rin si Dela Rosa na hindi uusad sa ICC ang kaso dahil mahina ang reklamo at hindi nga state sponsored ang mga nagaganap na patayan na isinisisi sa war on drugs ng pamahalaan.

Matatandaang isa si Dela Rosa sa mga kinasuhan ni Atty. Jude Sabio, legal counsel ni Davao Death Squad self-confessed hitman na si Edgar Matobato sa The Hague, Netherland.

Facebook Comments