Kuta ng dalawa pang Abu Sayyaf member na sumalakay sa Bohol, tukoy na ng Armed Forces of the Philippines

Manila, Philippines – Hindi na itinuturing ng Armed Forces of the Philippines na banta sa seguridad ang dalawang natitirang miyembro ng Abu Sayyaf Group na umatake sa Bohol.

Sa ginanap na press briefing sa Malakanyang, sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na nasa survival mode na lang ang dalawa dahil sa pinatinding manhunt operations ng PNP at AFP.

Natukoy na rin aniya ng Sandatahang Lakas kung saan nagtatago ang dalawang ASG memberat inaasahang magnu-neutralize sa lalong madaling panahon.


Una nang ini-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag hulihing buhay ang mga miyembro ng ASG na umatake sa Bohol.
Kasabay nito, tiniyak ni Padilla na ligtas na ang Bohol lalo na sa mga turista.
DZXL558

Facebook Comments