ISINAPORMAL | Sulat ng pag-withdraw ng Pilipinas sa ICC, nasa United Nations na

Manila, Philippines – Ipinadala na ni Philippine Ambassador to the UN Teddy
Locsin ang sulat sa United Nations na nagsasaad ng pormal na pagkalas ng
bansa sa International Criminal Court.

Sabi ni Locsin, ngayong araw inaasahang matatanggap ng UN ang naturang
sulat.

Batay sa liham para kay UN Secretary General Antonio Guterres, ang pagbitiw
ng Pilipinas sa ICC ay hakbang laban sa mga ginagamit ang karapatang pantao
sa pamumulitika.


Ito ay sa kabila ng pagtugon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa mga
reklamo para protektahan ang mamamayan.

Tiniyak naman ng Pilipinas na mangingibabaw pa rin ang Rule of Law at
respeto sa karapatang pantao.

Facebook Comments