ISINAPUBLIKO | 4 na EO, inilabas ng Palasyo

Manila, Philippines – Naglabas ngayong araw ang Palasyo ng Malacañang ng 4 na Executive Oders na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Executive Order number 52 na may petsang May 8 ay naguutos ng pagbuo ng Program Management Office para sa Earthquake Resiliency para sa Greater Metro Manila.

Mandato ng nasabing opisina ay tiyakin na magiging maayos ang koordinasyon at maisasakatuparan ang lahat ng earthquake resiliency programs ng mga government agencies at ng local na pamahalan at ipatupad ang strategy towards an earthquake resilient Greater Metro Manila.


Batay naman sa Executive Order number 53 na may petsang May 8 ay pormal nang binubuo ni Pangulong Duterte ang Boracay Interagency taskforce na siyang mangagnasiwa sa rehabilitasyon ng isla ng Boracay na kasalukuyang naka sara sa mga turista.

Sa Executive Oder number 54 na may petsang May 8 ay pinatataas ni Pangulong Duterte ang Employees Compensation benefits in the Private Sector at Carer’s Allowance sa Public Sector.

Sa Executive Order Number 55 na may kaparehong petsa ay binubuo ni Panuglong Duterte ang isang Steering Committee na siyang magoorganisa ng mga commemorative events para sa ika 500 anibersaryo o Quincentennial celebration ng Arrival of Magelan sa Pilipinas, pagwawagi ni Lapu-Lapu sa battle of Mactan at iba pang mahahalagang historic events na naganap mula 1519 hanggang 1522.

Facebook Comments