SINUPORTAHAN | Pagbuo ng 3-man Dengvaxia panel, suportado ng mga Senador

Manila, Philippines – Suportado nina Senators Win Gatchalian, Nancy Binay at Richard Gordon ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumuo ng 3-man panel na bubuuin ng asian health experts para magsagawa ng pag aaral o imbestigasyon sa Dengvaxia.

Buo ang tiwala ni Sen Gatchalian na hindi mahahaluan ng politika at impluwensya ang gagawing research ng panel para lumabas ang katotohanan ukol sa Dengvaxia at masuportahan ang mga kasong isinampa ukol dito.

Para naman kay Senator Binay, matitigil na ang nagsasalpukang magkakahiwalay na imbestigasyon sa bansa ukol sa Dengvaxia at dapat maging welcome ito para sa Public Attorneys Office na syang naghain ng mga kaso.


Diin naman ni Senator Gordon, tiyak na matutukoy ng panel ang totoong naging epekto ng dengvaia sa mahigit 800,000 na binakunahan nito.

Facebook Comments