Manila, Philippines – May anim ng pambato sa 2019 senatorial elections ang tinaguriang Resistance Coalition na binubuo ng iba’t ibang grupo at samahan sa panig ng oposisyon.
Ito ang inihayag ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na siyang pangulo ng Liberal Party.
Kabilang dito sina re-electionist Sen. Bam Aquino, former Quezon Rep. Erin Tanada, FLAG chairman Chel Diokno, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, at dating Akbayan party-list Rep. Barry Gutierrez, habang kinukumbinsi pa nila ang aktres na si Agot Isidro.
Diin ni Pangilinan, hindi matatawaran ang galing at paglingkod sa bayan ng nabanggit na mga personaidad.
Haharapin aniya ng anim at ng koalisyon ang mga polisiya ng pamahalaan at mga hakbang government na hindi nakakabuti sa bayan at taumbayan.
Maliban sa LP, ay kasamang ding bumubo sa resistance coalition ang Akbayan, Magdalo, at organisasyong Tindig Pilipinas.