NANAWAGAN | International community, pinakikilos para pigilan ang pagiging sunud-sunuran ni Pangulong Duterte sa China

Manila, Philippines – Nanawagan si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa international community na manghimasok na sa ginagawang pagsunod ni Pangulong Duterte sa China.

Iginiit ni Zarate na kung mangingialam na ang international community sa pagiging sunud-sunuran ni Pangulong Duterte sa China ay posibleng mapigilan ang banta ng militarisasyon at tensyon sa West Philippine Sea.

Aniya, unti-unti ay natutulad na ang Pilipinas sa Vietnam at Taiwan kung saan ang Woody Island na sakop ng Paracel Island ng dalawang bansa ay nilagyan rin ng missile launchers, radar systems at H-6K bombers.


Dapat na umanong matigil ang pagpayag ni Pangulong Duterte sa mga ganitong hakbang ng China dahil mas lalo lamang ito nagpapalala sa tensyon ng rehiyon.

Facebook Comments