Manila, Philippines – Trending ngayon sa social media ang larawan ni Heart Evengelista kung saan makikita ang kanyang baby bump.
Dalawang linggo na ang nakakalipas nang kumpirmahin ng aktres ang kanyang pagdadalang-tao sa first baby nila ni sen. Chiz Escudero.
Kamakailan lang din nang i-reveal ni Heart na kambal sana ang kanyang ipinagbubuntis pero namatay ang isa sa kanyang sinapupunan.
At bilang bahagi ng kanyang “Mommyhood Diaries”, tiniyak ni Heart sa kanyang mga fans na healthy ang kanyang baby.
Samantala, ngayon pa lang, hands-on na rin si heart sa pagde-design ng nursery room sa kanilang bahay.
Facebook Comments