Manila, Philippines – Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang resulta ng second batch ng Senior High School Voucher Program (SHS-VP).
Ayon sa DepEd, maari nang i-check ng mga grade 10 completers at incoming grade 11 students na nagsumite ng kanilang application mula April 3 hanggang 27 ang resulta at ma-download ang kanilang Qualified Voucher Applicants (QVA) certificates sa pamamagitan ng pag-log in sa kanilang account sa Online Voucher Application Portal (OVAP) sa ovap.deped.gov.ph.
Ang QVA certificates ay isusumite sa non-DepEd Senior High School kung saan sila naka-enroll para sa school year: 2018-2019.
Ang SHS-VP ay financial assistance program na layong mapurisige ng mga grade 10 completers ang kanilang senior high school education sa mga pribadong eskwelahan, State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs).