Manila, Philippines – Inilabas ngayon ng Armed Forces of the Philippines ang listahan ng mga unibersidad sa Metro Manila na tinututukan nila ang mga paggalaw, dahil sa di umano ay pagre- recruit ng CPP-NPA sa mga estudyante nito, para sa Red October Ouster Plot.
Kabilang sa mga unibersidad na pinangalanan ay ang:
UP Diliman
UP Manila
PUP Sta. Mesa
Ateneo de Manila University
De La Salle University
UST
Adamson
FEU
UE Recto
UE Caloocan
Adamson
Emilio Aguinaldo College
Earist-Eulogio Amang Rodriguez
San Beda
Lyceum
University of Makati
Caloocan City College
University of Manila
Philippine Normal University
Una nang sinabi ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez Jr. base sa intel reports, mayroong grupo ng mga magaaral ang nakikipagugnayan sa mga komunistang grupo.
Nagsasagawa aniya sila ng information drive sa mga magaaral tungkol sa rehimeng Marcos at iniuugnay ito sa kasalukuyang administrasyon, upang mahikayat ang mga estudyante na makiisa sakanila.
Kaugnay nito, nananatili aniya nakaalerto ang AFP at PNP, upang hindi makalusot sa kanilang radar ang ano mang destabilization plot laban sa pamahalaan.