Manila, Philippines – Inilabas ngayon ng Palasyo ng Malacañang ang mga dokumento o mga kasunduang nalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at China nang bumisita dito sa Pilipinas si Chinese President Xi Jinping.
Isa sa mga inilabas na Memorandum of Understanding (MOU) ay may kinalaman sa imprastraktura na magpapalakas pa sa build build build program ng pamahalaan.
Sa ilalim ng MOU on cooperation in infrastructure program ay nagpapahayag ang China na ibahagi ang malawak na karanasan ng kanilang bansa hinggil sa construction, operation and management tulad ng modern railway construction, bridge construction at maraming iba pa.
Ito na rin ay sa harap ng mga proyekto ng Pamahalaan tulad ng PNR south haul project, Subic Clark at Mindanao Railway project na nasa ilalim ng build build build program.
Sa usapin ng naman ng bridge cooperation na nakasaad sa MOU ay nagkasundo ang Pilipinas at ang China na magtulungan sa pagtatayo ng limang tulay na magdudugtong sa mga lungsod tulad ng Pasig-Marikina, River, Manggahan Floodway, North South Harbod Bridge, Palanca Villegas Bridge, Blumentrit Antipolo Bridge at marami pang iba.