ISINISI | Labor Sec. Silvestre Bello, direktang inakusahan si Usec Jacinto Paras na may pakana sa pagpapatalsik sa kanya sa pwesto

Manila, Philippines – Inakusahan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kanyang undersecretary na si dating Negros Oriental Representative Jacinto Paras na may pakana sa pagpapatalsik sa kanya sa pwesto.

Ayon kay Bello, umamin si Paras na dinala niya ang complainant at recruitment agency owner na si Azizzah Salim kay Pangulong Rodrigo Duterte kung saan ginawa ang affidavit na nagdidiin sa kanya sa katiwalian.

Sa pagharap sa Pangulo, ikinwento raw ni Salim ang pangongotong umano sa kanya ang isang labor official.


Nauna nang sinabi ni Salim na hindi niya nabanggit ang pangalan ni Bello sa pangulo nang sila ay mag-usap, gayundin na hindi niya nabasa ang affidavit na kanyang pinirmahan.

Sinabi ni Bello na malinaw na paninira sa kanyang pangalan ang naturang hakbang ni Undersecretary Paras.

Nanindigan naman ang secretary na hindi siya nangotong, kasunod ng multi-million lobby fund na ginagamit daw para tuluyan siyang mapatalsik sa tanggapan.

Facebook Comments