ISINISI | Mahinang pagpapatupad sa batas, dahilan ng mga patayan – opposition Congressman

Manila, Philippines – Isinisisi ni Deputy Minority Leader Luis Campos na malaki ang problema sa law enforcement ng bansa kaya sunud-sunod ang pagpatay sa mga pari, media practitioners at maging mga local officials.

Ang reaksyon ng kongresista ay kasunod na rin ng insidente ng pagbaril kay Tanauan Mayor Antonio Halili na ikinasawi rin nito kaninang umaga.

Malubha na aniya ang problema sa pagpapatupad ng batas ng mga otoridad dahil walang tigil ang pagpatay at paglaganap ng krimen sa bansa.


Iginiit ni Campos na ang tanging paraan lamang para masolusyunan ang mga kaso ng pagpatay ay ang pagtugis, pagdakip at pagpapakulong sa mga may tunay na sala.

Umaasa ito na agad mahuhuli at mapapanagot ang pumatay kay Mayor Halili.

Kung magiging masugid lamang ang mga otoridad sa paghuli at pagpapanagot sa mga sangkot sa pagpatay ay mapipigilan ang mga kriminal lalo na ang mga guns-for-hire.

Facebook Comments