Isinisi ng Palasyo ng Malacañang sa bagyong Ompong ang pagtaas ng inflation rate noong nakaraang buwan ng Setyembre na iniuugnay din ng Malacañang sa pagtaas ng bilang ng mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Ito ang reaksyon ng Malacañang sa inilabas na survey ng Social Weather Station o SWS kung saan makikita na 52% ng pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap.
Ginawa ang survey noong September 15-23 na mayroong 1500 respondents.
Matatandaan naman na pumalo sa 6.7% ang inflation rate sa bansa noong nakaraang buwan.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naiintindihan ng Malacañang ang sentimyento ng mamamayan.
Pero sinabi din nito na ang pagkasira ng agrikultura at infrastructure dahil sa bagyong Ompong sa Cordillera, Ilocos at Cagayan Region ay nakapag-ambag sa mataas na inflation.
Ito din aniya ang dahilan kung bakit lumalabas sa survey na sa balanced Luzon at umakyat sa 47% noong Setyembre.
Pero nagpatupad naman aniya ang Pamahalaan ng mga hakbang para mapagaan ang epekto ng inflation at kabilang aniya sa mga hakbang na ito ay ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng unimpeded o unli-importation ng bigas para mapababa ang presyo nito.
Binigyang diin ni Roque na ang atas ng Pangulo sa lahat ng ahensiya ng Pamahalaan ay dapat walang pamilyang Pilipino ang nagugutom.