ISINIWALAT | Mga planong matitinding amyenda sa konstitusyon, isiniwalat ni Senator Pangilinan

Manila, Philippines – Isiniwalat ngayon ni Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan ang mga bulong-bulungan sa Kongreso na mga posibleng amendments para sa isinusulong na Charter change.

Una rito, ayon kay Pangilinan, ang 10 taon na transition period sa Federalism kung saan wala munang eleksyon at itutulak ang term extension para sa kasalukuyang mga nakaupo sa gobyerno kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pangilinan, dahil wala ng eleksyon, ay appointed o itatalaga na muna ang lahat ng mga lokal na opisyal.


Bibigyan din aniya ng kapangyarihan ang Pangulo na gumawa ng mga batas tulad noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos habang hindi pa nabubuo ang Federal government.

Binanggit din ni Pangilinan ang pagtanggal sa mga restrictions o limitasyon sa paggamit ng mga dayuhan sa ating natural resources o likas na yaman.

Sa tingin ni Pangilinan, layunin nito na alisin ang anumang hadlang sa pagpasok ng China at pagbubuhos nito ng bilyong pisong pautang at negosyo sa ating mga lupain at karagatan.

Facebook Comments