Isinulong ng Pangulo na taas-sweldo ng mga guro, pinuri nina Sen. Angara at Villanueva

Manila, Philippines – Kapwa pinuri nina Senators Sonny Angara at Joel Villanueva ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na pagpapataas sa sweldo ng mga guro.

Ayon kay Angara, matagal na itong hinihintay ng mga guro.

Diin naman ni Villanueva, umento sa sweldo ay sukli sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga guro sa paghubog sa puso at kaisipan ng mga kabataan.


Dagdag pa ni Angara, napapanahon din ang panawagan ng Pangulo na ipasa ang Magna Carta for Barangays at ang pagtayo ng isang National High School for Sports at ng Department of Disaster Resilience.

Nauunawaan din ni Angara ang mga hugot lines ng Pangulo lalo na ang mga tungkol sa pagpapatuloy ng korapsyon sa gobyerno kung saan marami talaga ang nadidismaya.

Natuwa din si Angara na hindi tinadtad ng Pangulo ng pagmumura ang ika-apat niyang SONA niya at sa halip ay sumentro ito sa paghahangad ng progress, peace and prosperity para sa bansa at mga Pilipino.

Tiniyak naman ni Villanueva na pag-aaralan nilang mabuti ang mga panukalang isinulong ng Pangulo tulad ng National Land Use Plan, Department of Overseas Filipino Workers, Department of Water Management at ang Package 2 ng Comprehensive Tax Reform Program.

Pinuri din ni Villanueva ang determinasyon ng Pangulo na matuldukan ang korapsyon sa pamahalaan.

Facebook Comments