ISINUSULONG | Mga ahensya na mahina gumastos, pinatatapyasan ng malaking pondo

Manila, Philippines – Isinusulong ng Minorya sa Kamara na kaltasan ng malaking pondo ang mga ahensya ng gobyerno na mahina ang paggastos sa pondo.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, irerekomenda nila ang pagbabawas sa budget ng mga ahensyang mahina gumastos ng pondo sa oras na umakyat na sa plenaryo ang 2019 national budget.

Aniya, batay sa budget briefing sa House Appropriations Committee, marami pa ring ahensya ng pamahalaan ang mababa ang absorptive capacity.


Marami tuloy ang nasasayang na resources ng gobyerno sa halip na napapakinabangan sana ito sa mga pangunahing serbisyo para sa publiko.

Inihalimbawa ni Suarez ang DSWD na nasa 79.5% lamang ang utilization ng pondo noong 2017 kahit pa sentro ng trabaho nito ang pagtulong sa mga mahihirap.

Lumabas sa datos na mahigit P15 Billion ang hindi nagastos mula 2013 hanggang 2017 ng DSWD sa ilalim ng Office of the Secretary dahil sa mga hindi naituloy na proyekto.

Facebook Comments