Isinusulong na 2-year probationary employment period sa bansa, thumbs down sa Palasyo

Manila, Philippines – Tutol ang Malakanyang sa panukalang gawing dalawang taon ang probationary employment period sa bansa mula sa umiiral na anim na buwan.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, posibleng i-veto ni Pangulong Duterte ang nasabing panukala sakaling lumusot sa Kongreso.

Tiniyak nitong anumang batas na labag sa polisiya ng Pangulo ay hindi nito aaprubahan.


Samantala, sinang-ayunan din ni Panelo ang posisyon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na paglabag sa karapatan ng manggagawa partikular na sa security of tenure ang nasabing panukala.

Mababatid na ang House Bill 4802 ay inihain sa Kamara ni Probinsyano Ako party list Representative Jose Singson Jr. na isang negosyante.

Facebook Comments