Suportado ni Department of Agriculture (DA) Sec. William Dar ang isinusulong na hog summit ni Nicanor Briones, Vice President ng Pork Producers Federation of the Philippines Incorporated.
Paliwanag kasi ni Agriculture Spokesperson Asec. Noel Reyes, dati nang nakakausap ni Dar ang grupo ni Briones.
Pero aniya, imposible ang panawagan ng grupo ni Briones dahil kailangan munang pairalin ang price ceiling sa sobrang taas ng presyo ng karneng baboy at maging ng manok.
Samantala sa ngayon, ilang hog raisers na ang tumanggi sa programang pautang ng Department of Agriculture.
Giit kasi ni National Federation of Hog Farmers President Chester Warren Yeo Tan, nag-aalangan nang umutang ang kanilang mga miyembro dahil sa takot na hindi sila mabayaran dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Matatandaang una nang inanunsiyo ng DA na naglaan ito ng 27 bilyong piso na pautang sa commercial hog raisers at 600 milyong piso naman para sa backyard hog raisers.