Isinusulong na P23 billion smart city reclamation project, mariing tinutulan

Umapela sa gobyerno ang ilang mamamayan sa isinusulong na P23 billion smart city reclamation project sa baybayin ng Rizal Boulevard.

Batay kay Dumaguete Mayor Felipe Remollo, tulong ang proyekto sa marami pang negosyo at trabaho na nakapaloob sa 174 ektaryang lupain.

Maliban dito, balak ding patayuan ang lugar ng commercial at residential area kabilang na ang; mall, condominium, ospital, business hubs at iba pa.


Sa interview ng programang Basta Promdi Lodi, sinabi ni Atty. Golda Benjamin na walang naging pormal na pag-uusap at ugnayan ang pamahalaan sa mamamayan partikular na ang public consultation at public hearing.

Dahil dito, nagkaroon ng iringan at pagtatalo sa dalawang panig.

Samantala, tumutol din sa proyekto si Angelico Jose Tiongson, Presidente ng STEWaRDS at faculty member ng Siliman University dahil ayon dito malaki ang magiging damage nito sa kalikasan.

Facebook Comments