Isinusulong na Reporma nagpapatuloy-ARMM Gov. Hataman

Ikinagalak ni Autonomous Region in Muslim Mindanao Governor Mujiv Hataman ang mga repormang nararamdaman ngayon sa buong rehiyon.

Itoy bunsod na rin sa pagsisiskap ng kanyang mga gabinete at mga local chief executives na maibigay ang mga sebisyo ng gobyerno sa publiko.

Inihayag ito ni Gov. Hataman sa isinagawang Tapatan sa ARMM kasabay ng katatapos lamang na Governor’s Initiative for Systems Assessment (GISA) sa lahat ng mga ahensya ng rehiyon.


Kabilang sa kanyang binigyang pagkilala at pamunuan ng Department of Public Works and Highways sa pangunguna ni Sec. Don Loong at Department of Education Sec. John Magno.

Pinuri rin ni Governor Hataman ang pagsisikap ni Department of Interior and Local Government Sec. Atty. Kirby Abdullah resulta ng pagdami ng bilang ng mga LGU na nakasalang ngayong taon para maparangalan ng Seal of Good Local Gocernance .

Bagaman, aminado si Gov Hataman na marami pa ring hadlang kung kayat hindi nakakaarangkada ang rehiyon para tuluyang maranasan ng taga ARMM ang matiwasay at maunlad na pamumuhay .

Kabilang sa tinukoy na hadlang ng gobernador ang banta terorismo na pilit nilang sinusolusyunan katuwang ang mga pinagsanib na pwersa ng mga otoridad.(DENNIS ARCON)

Facebook Comments