Para kay Marikina Representative Stella Quimbo, dapat pag-isipang mabuti ang timing ng P100 legislated wage hike na isinusulong ng Senado.
Babala ni Quimbo, maaring itong magdulot ng pagtaas ng inflation o pagtaas sa presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Paliwanag ni Quimbo, ito ay dahil tiyak na ipapasa rin ng mga kompanya sa presyo ng kanilang mga produkto ang idadagdag sa sweldo ng kanilang mga manggagawa.
Bunsod nito ay sinabi ni Quimbo na magiging pansamantala lamang ang benepisyong idudulot ng wage increase at sa bandang huli ay hindi rin ito sasapat na panggastos.
Giit ni Quimbo, mas mabuting unahain ang economic Charter Change na siyang daan para matugunan ang inflation at mapalago ang ekonomiya ng bansa.
Facebook Comments