Manila, Philippines – Naniniwala si Justice Secretary Menardo Guevarra na napapanahon na para amyendahan ang Republic Act 9372 o ang Human Security Act of 2007.
Ayon kay Guevarra, kailangang mabigyan ng ngipin ang batas para mas maging epektibo at maalis ang ilang probisyon nito na ikinakadismaya ng mga enforcers sa pagsasampa ng kaso laban sa mga hinihinalang terorista.
Ayon kay Guevarra, nagsumite na ng draft amendatory bill sa kongreso ang Anti-Terrorism Council kung saan aktibong miyembro ng DOJ.
Kabilang sa mga nais ng DOJ na maamyendahan ang mas mahabang pag-detain sa suspected terrorists nang hindi bababa sa 30 araw at surveillance na higit sa 90 araw.
Una ng pinuna ng ilang senador na ang anti-terrorism law ng Pilipinas ang pinakamahina sa mundo.