ISINUSULONG | PDEA, gustong magkaroon ng pare-parehong anti-drug program sa SK

Manila, Philippines – Isinusulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na naisama na rin sa papel na gagampanan ng Sangguniang Kabataan (SK) ang agresibong kampanya laban sa illegal drugs.

Nais ni PDEA Director General Aaron Aquino magkaroon na ng pare-parehong anti-drug advocacy program ang Sangguniang Kabataan (SK) sa buong bansa.

Ipauubaya ni Aquino sa Dangerous Drugs Board (DDB) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagbuo ng isang uniform na anti-drug advocacy programs para sa SK.


Hinikayat ni Aquino ang SK na iwasan na muna na mag organisa ng mga basketball tournaments at beauty pageants sa halip, mag-focus sa anti-drug advocacy programs.

10% ng annual budget ng pondo ng Barangay ay maaring gamitin sa implementasyon ng anti-drug advocacy programs ng kanilang komunidad.

Maari din gamitin ng SK ang ibat-ibang social media platforms sa pagpapalaganap ng kaalaman sa kanilang hanay tungkol sa masamang epekto ng illegal drugs.

Facebook Comments