AMINADO | Coach Guiao, aminadong nais sanang makasama sa line-up ng national team ang 3 dating player ng Rain or Shine

Manila, Philippines – Aminado si coach Yeng Guiao na una niyang binalak na kunin at makasama sa line-up ng national team sina Jericho Cruz, Jeff Chan at JR QuiƱahan para sa nalalapit na 2018 Asian Games.

Ito ay dahil kabisado na daw nila ang mga set plays na kaniyang ginagamit kung saan nagagawa daw nila ito noong magkakasama pa sila sa Rain or Shine.

Pero, may injured pa si Cruz habang nagko-concentrate naman daw si Chan sa kampaniya ng Gin Kings sa finals ng PBA Commissioners Cup.


Hindi naman daw sapat ang height ni QuiƱahan dahil malalaking player ang kanilang makakaharap kaya at sapat na para sa kaniya sina Asi Taulava, Raymond Almazan at Christian Standhardinger.

Sa ngayon, puspusan ang pag-eensayo ng national team dahil mayroon na lamang silang isang linggo bago magtungo ng Indonesia.

Facebook Comments