ISINUSULONG | Regular na neuro-psychiatric test sa mga miyembro ng PNP, iminungkahi ng NAPOLCOM

Manila, Philippines – Iminungkahi ng National Police Commission (NAPOLCOM) na gawing regular ang neuro-psychiatric test sa lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay NAPOLCOM Vice Chairman Rogelio Casurao, hindi lamang dapat tuwing mag-reretiro isagawa ng psychiatric test sa isang pulis.

Aniya, may mga behavioral patterns na kasing nade-develop sa isang pulis habang ito ay nasa serbisyo.


Batay sa tala ng Eastern Police District (EPD), nangungunang dahilan ng behavioral problem sa hanay ng pulisya ay dulot ng trabaho lalo na tuwing nahaharap sa mga kaso.

Kahit na tumaas ang suweldo, kabilang pa rin ang problemang pinansiyal sa nakakaapekto sa pagbabago ng ugali ng pulisya.

Pero sabi ni EPD Director Rey Biay, kung ikukumpara noong nakaraang taon ay nabawasan sa kalahati ang mga pulis na nakaranas ng behavioral problem.

Ito ay mula nang mailunsad ng EPD ang care and reformation service.

Facebook Comments