ISIS COMMANDER? | Foreign terrorist na konektado umano sa ISIS, arestado sa Maynila ng AFP-PNP

Manila, Philippines – Iprinisinta sa media ang naarestong foreign national na may ugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Sa press briefing sa Camp Crame – inihayag ni Philippine National Police Chief Dir. Ronald Dela Rosa na naaresto nang pinagsanib na pwersa ng AFP at PNP Intelligence Operatives ang ISIS member sa isang apartment sa Ermita, Maynila kasama ang umano’y Filipina wife niya.
Kinilala ni Dela Rosa ang suspek na si Fehmi Lassqoued, isang Egyptian national at ang Pinay wife na si Annabel Moncera Salipada, tubong Upi, Maguindanao.
Ayon sa PNP Chief, batay sa ibinigay na deskripsyon ng foreign intelligence, isang ISIS commander at negotiator si Lassqoued na nagtatrabaho para sa teroristang grupo sa mga bansa gaya ng Syria.

Nakuha naman sa suspek ang ilang piraso ng improvised explosive device, firearms and ammunitions, ISIS flag at documents na naglalaman umano ng kanilang plano sa paglunsad ng terror attack sa bansa.

Kalagitnaan ng July 2016 ng pumasok sa bansa si Lassqoued gamit ang pekeng passport.


Facebook Comments