ISIS, inako ang knife attack sa France

World – Inako ng teroristang ISIS ang knife attack sa French Mediterranean City na Marseille kung saan dalawang babae ang napatay.

Ayon sa grupo – tagasunod nila ang umatake sa train station na sumigaw pa ng “allahu akbar” bago nanaksak.

Napatay naman ng mga rumespondeng pulis ang hindi pa nakikilalang suspek.


Mula 2015, umabot na sa dalawang daan at tatlumpu’t siyam (239) ang namatay sa France dahil sa pag-atake ng mga teroristang kapanalig o tagasuporta ng ISIS.

Facebook Comments