Naglibot sina Mayor Isko Moreno at Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo- Puyat sa Intramuros nitong Martes layong i-angat ang turismo sa Maynila.
Sakay ng bamboo bike, bagong transportasyon sa nasabing lugar, pinuntahan nila Moreno at Puyat ang tourism spots na matatagpuan sa Intramuros.
Ayon sa Department of Tourism, layunin nila na isulong ang turismo sa mga tampok pasyalan sa lungsod ng Maynila.
Balak patayuan ng isang creative economy hub para sa mga artists at performers ang Intramuros upang mas maraming kabataan ang makilahok dito.
Tinatayang umaabot sa 100,000 katao ang pumunta sa Luneta pagsapit ng weekend at planong pagawan ito playground para sa mga bata na mamasyal dito.
Kabilang din sa mga plano ang rehabilitasyon ng Manila Bay at vertical urban gradening sa Ongpin at Arroceros Forest Park.