Ipinahayag ni Mayor Isko Moreno na gusto niyang ipaayos muli ang Ospital ng Maynila na “mas maganda” pa kaysa sa mga prestihiyoso at pribadong ospital sa Makati.
“Basta ‘pag ang Ospital ng Maynila tinayo natin at hindi naging mas maganda kaysa sa Makati Medical Center at St. Lukes’s, hindi papasa sakin,” ani Isko.
Sinabi rin ni Isko na dapat mahusay ang pagkakagawa sa ospital dahil ito ang karapat-dapat sa mga pasyente.
“So build it better, build the best. Ayaw niyo ba yung pasyente ninyo hanggang sa huling hininga nakikita niya dapat maayos, malamig,” aniya.
Ayon pa kay Isko, layon niyang maiparamdam sa mga pasyente ng ospital ang tunay na kalinga kahit na pampubliko lamang ito ngunit itsurang pribado.
Nakatakda ring isaayos ang 60 na health center sa iba pang dako ng Maynila at bibili ng anim pang ambulansya upang magamit ng lokal na pamahalaan.