Isko Moreno kailangan ng tulong nina Erap at Lim; dugyot na Maynila bilang na ang araw

NILINAW ni Manila City Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso na wala siyang anumang galit sa kanyang nakatunggali sa katatapos na halalan at dating kaalyado na si outgoing mayor Joseph “Erap” Estrada.

“I think I have nothing against them, with all honesty,” ani Moreno sa isang tv interview.

Tinalo rin ng 44-anyos na si Moreno ang isang pang dating mayor ng Maynila na si Alfredo Lim.


Nakakuha si Domagoso ng 357,925 boto sa pumangalawang si Estrada na may 210,605 boto. Ipinakita rin sa resulta ng eleksyon sa Maynila na balewala ang partido ng isang tumatakbo sa pagka-alkalde.

Suportado si Estrada ng Hugpong ng Pagbabago, ang regional party ni presidential daughter Davao City Mayor Sara Duterte habang dala naman si. Lim ng administration party na Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan na nakakuha naman ng 138,923 boto.

“I don’t want to lead a city na divided, na may [where there is] animosity. Let’s move on. O ‘yung mga hindi pa naniniwala, halikayo, pwede ko pa kayong akapin.”, dagdag pa ni Isko.

Inihayag din ng bagong Mayor-elect na kailangan pa rin niya ang dalawang nakatunggali sa pagpapaunlad ng siyudad.

“Kailangan ko silang dalawa if they’re willing. Marami rin akong pwedeng matutunan sa kanila. If they have ideas, why not? There is no monopoly of knowledge.”

Samantala, inihayag din ni Moreno na gagawin niya ang lahat upang linisin ang kabisera ng bansa upang maakit nito ang maraming negosyante at maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga resident eng lungsod.

“I’ll move heaven and earth to clean up the city. Dugyot kami. Papaliguan ko lang naman,” aniya.

Plano niyang magsagawa ng bidding para sa bagong trash contractor ng lungsod.

Magtatalaga rin siya ng permanenteng lugar para sa mga street vendor para hindi na ito magbayad pa ng tong.

Isa pang plano ni Moreno ang i-redevelop Binondo bilang business district, at ang Pandacan, na dating oil depot, bilang green area. Bukod dito, magtatayo rin siya ng in-city housing sa Delpan para sa urban poor families.

“Para mapakita kung totoo laway, ko I’ll start it there. It can be a model to any local government unit then I’ll go to Baseco then to Parola,” ayon pa sa bagong alkalde ng Maynila.

May balak din siya na ibaba ang real estate at business taxes sa lungsod.

“It’s a humbling experience. Yung results kasi overwhelming. Scary, in a way people are expecting more now. Nakaka-tense.”

Facebook Comments