Isko Moreno, nakilala na ang bayaning aso na si ‘Kabang’

via PIO Manila

Nakilala na ni Manila Mayor Isko Moreno ang bayaning aso na si ‘Kabang’ kasabay ng pagsulong ng kaniyang plano sa mga aso’t pusa na ligaw sa kalsada ng Kamaynilaan.

Si Kabang, aso mula sa Zamboanga City, ay itinuturing na bayani matapos iligtas ang dalawang bata sa motor crash noong 2013 na sanhi ng pagkawala ng kaniyang nguso.

Ayon kay Moreno, mahilig talaga siya sa mga aso kaya ipinakita na niya sa nangangalaga kay Kabang ang plano sa mga stray animals o mga aso’t pusang gala sa kalsada.


Dagdag ni Moreno, kinokonsidera niya ang “libre capon” o programa upang malimitihan ang populasyon ng mga galang aso at pusa.

May pahayag naman si Moreno sa mga asong napabayaan o kulang sa pag-aalaga.

“Huwag na po kayo mag-aso kung ‘di niyo kaya alagaan. Kawawa naman. Sa bagay, may mga ilang nanay nga, pinababayaan ang mga anak nila. Aso pa kaya,” aniya.

Facebook Comments