Isko Moreno, nangakong ibabalik sa 324 gov’t employees ang hindi nabayarang sahod

File photo

Ibabalik sa 324 na empleyado ng gobyerno ang sahod na hindi naibigay ng nakaraang administrasyon ayon sa pahayag ni Mayor Isko Moreno nitong Huwebes.

Ayon kay Isko, mayroong mga empleyado ang natanggap sa trabaho nitong Pebrero ngunit hindi sila nabigyan ng sahod.

“Despite na sila ay ginamit laban sa akin… kahit na sila ay namulitika, ginamit saan-saan, one thing is for sure, I will give them what is due to them,” ani Isko.


“Bilang ama ng lungsod at sila ay aking nasasakupan, the least thing that I can do for them is ibigay kung ano ang nararapat para sa kanila,” dagdag niya.

Ayon kay Julius Leonen, chief ng Manila Public Information Office, ang nakalaang pondo sa reimbursement para sa mga empleyado ay aabot sa P1.65 million.

Makukuha ng mga empleyado ang kanilang sahod ayon sa ilang buwan sila nagtrabaho sa gobyerno.

Hindi naman direktang sinabi ni Isko na ang mga empleyado ay campaign volunteers ng dating mayor na si Joseph “Erap” Estrada.

Facebook Comments