Isko Moreno pinatatanggal ang pangalan, mukha niya sa food trucks

COURTESY OF GMA NEWS

Nakiusap si Manila Mayor Isko Moreno sa mga donor umano ng “Kusina ni Isko” na huwag nang ilagay ang pangalan at mukha niya sa mga food truck.

Namataan ang food truck na may pangalan at mukha nina Moreno at Vice Mayor Lacuna, na namimigay ng libreng lugaw sa flag ceremony sa Bonifacio Shrine nitong Lunes, Hulyo 15.

Isang netizen na nag-retweet ng litrato ng nasabing food truck ang tinawag ang pansin ng mayor at sinabing “bawal epal ‘diba po?”


Matatandaang ipinag-utos ng alkalde ang pagpapatanggal ng mga pangalan ng politiko sa mga pampubliko at pribadong paaralan at ospital, nakaraang linggo.

Sumagot naman si Moreno at sinabing may punto ang netizen.

Nakisuyo na raw ang alkalde sa mga nag-donate at nangako ring wala na ito sa susunod na flag ceremony.

Papapalitan niya na rin daw ito ng “Kusina ng Maynila” o kaya “Kusina para sa Batang Maynila.”

Nauna nang nilinaw ni Moreno na mula sa pribadong indibidwal ang food truck at hindi pondo ng pamahalaan ang ginamit dito.

Facebook Comments