Pinahayag ni Mayor-elect Isko Moreno Domagoso ang hindi pagsang-ayon na gawing gymnasium ang “Manila’s Last Lung”, ang Arroceros Forest Park.
Ayon sa kaniyang interview sa Rappler, hindi niya pahihintulan ang nasabing plano na konstruksiyon.
“Now that I am the mayor elect, no no, no. It will retained as Arroceros park, full of trees that help us breathe better in Lawton,” pahayag ni Moreno.
Ang Arroceros Forest Park ay nasa Antonio Villegas Street sa central district ng Ermita. Mayroon itong 2.2 hektarya na may tatlong libong puno at walong libo na ornamental na halaman.
Ang nasabing proyekto ay mula sa nakaraang administrasyon sa pamamahala ni Joseph Estrada. Kumalap ng 96,000 na pirma ang mga Manileño at environmentalists upang mag-petition na ikansela ang plano.