Isko Moreno, Vico Sotto, at Francis Zamora nagsama ulit sa pulong kay PRRD

2170
Image via Mayor Francis Zamora

Nagkita muli ang tinaguriang “millennial mayors” na sila Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso, Pasig City Mayor Vico Sotto, at San Juan City Mayor Francis Zamora nitong Martes ng gabi.

Nag-selfie ang tatlong alkalde habang hinihintay si Pangulong Rodrigo Duterte para sa executive meeting kasama ang lahat ng mayor at gobernardor sa buong bansa.

Sa isinagawang pagpupulong, muling sinabi ng Presidente ang mga opisyales na dating nasangkot sa iligal na droga.

Matatandaang binanggit noon ni Duterte ang mga personalidad na may kinalaman umano sa mga illegal drug trade na nangyayari sa kinasasakupang lugar.

Pumukaw ng atensyon ang tatlong bagong lider matapos pataubin ang mabibigat na kalaban noong nakaraang halalan.

Facebook Comments