VIRAL: Joshua Garcia, ni-reenact ang Budoy scene ni Gerald Anderson

276
Screenshot via ABS-CBN Entertainment

Viral ngayon ang video ni Joshua Garcia na ni-reenact ang Budoy scene ni Gerald Anderson.


Sa video na inilabas ng ABS-CBN entertainment, pinagawa kay Joshua ang reenactment ng ‘One More Chance’ scene ni John Lloyd Cruz kasama si Bea Alonzo at ‘Princess Sarah’ scene ni Camille Prats.

Pinaka-nakapukaw atensyon ng mga netizen ang pag-reenact nito ng Budoy kung saan ginampanan ni Gerald Anderson ang karakter na isang mentally challenged at sikat nitong linya na “Ako Budoy” noong 2011.

Kaugnay ito ng issue na kumalat sa social media ang “sweet photos” nila Julia at Gerald sa birthday party ng kaibigan na si Rayver Cruz kasabay ng ‘ENOUGH’ Instagram post ni Bea Alonzo.

Naging magkasama si Julia Barretto at Joshua Garcia sa mga pelikulang Unexpectedly Yours, I Love You Hater at Vince and Kath and James. Kinumpirma nila Julia at Joshua ang break-up noong Hunyo 28, 2019.

Facebook Comments