BATANES – Patuloy ang pagdagsa ng iba’t ibang tulong sa isla ng Batanes matapos itong masalanta ng Bagyong Ferdie kamakailan.Una nang idineklara ang State of Calamity sa probinsya matapos umabot sa P37 milyon ang halaga ng mga pananim na napinsala ng bagyo.Sa interview ng RMN kay Batanes Governor Malou Cayco, nanawagan ito ng tulong para magkaroon ng malinis na tubig, pagkain, water pump, generator, yero at iba pang construction materials.Nilinaw naman ni National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan na aabutin pa ng tatlong linggo bago maibalik ang suplay ng kuryente sa lugar.Samantala, nagtungo na ang ilang tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para magsagawa ng stress debriefing sa mga residenteng naapektuhan ng bagyo.Sa kabila ng matinding pinsala, ipinagmalaki ng NDRRMC na walang naitalang nasawi sa batanes sa pananalasa ng Bagyong Ferdie.
Isla Ng Batanes, Nasa Early Recovery Stage Na Matapos Salantain Ng Bagyong Ferdie
Facebook Comments