Islamic State, inamin na sila ang responsable sa pagbobomba sa Quiapo Maynila

Manila, Philippines – Inamin ng Islamic State na sila ang responsable sa pambobombang naganap sa Quiapo, Maynila noong Biyernes ng gabi.

Ito ay ayon sa anunsiyo kahapon ng Amaq News Agency na siya mismong news outfit ng naturang teroristang grupo.

Matatandaang isang bomba ang sumabog sa Quezon Boulevard sa Quiapo bandang alas-10:49 ng gabi na siyang ikinasugat ng 14 na katao.


Bagamat maaaring isang ploy lamang ito o pakana dahil sa kilala ang IS sa madalas na pag-ako nito sa mga pambobomba sa iba’t ibang lugar.

Sa ngayon ay inaantay pa ang pahayag ng mga awtoridad.

Una nang sinabi ni NCRPO Chief Oscar Albayalde na ang pagpapasabog ng bomba ay dulot lamang ng away sa sugal o ‘gang war’ na naganap bago ang insidente.

DZXL558

Facebook Comments