PHIVOLCS, nilinaw na walang abnormalidad sa Parker at Makaturing volcanoes na malapit sa pinangyarihan ng 7.2 magnitude na lindol sa Mindanao

Manila, Philippines – Nilinaw ng PHIVOLCS na walang naitalang abnormalidad sa Parker at Makaturing volcanoes na malapit sa pinangyarihan ng 7.2 magnitude na lindol sa malaking bahagi ng Mindanao.
Ayon sa PHIVOLCS, sa nakalipas na mga oras ay wala naman silang na-monitor na volcanic earthquake o iba pang volcanic activity.
Inilbas ng PHIVOLCS ang paglilinaw dahil na rin sa takot ng mga residente sa lugar.
Matatandaan na noong naranasan ang 6.0 magnitude nalindol sa Batangas ay binantayan din ang bulkang taal dahil malapit lamang ito sa epicenter ng pagyanig.

Facebook Comments