Islamist leader na utak umano sa pag-atake sa Mumbai noong 2008, pinalaya na ng Pakistani court

Ipinag-utos ng Pakistani court ang pagpapalaya sa isang Islamist leader na inakusahan ng Estados Unidos at India bilang mastermind ng pag-atake sa Mumbai, India noong 2008 na ikinasawi ng mahigit 100 katao.

Ito ay matapos na mabigong patunayan ng gobyerno ng India ang pagkakasangkot ni Islamists leader Hafiz Saeed sa nasabing pag-atake.

Si Saeed ay unang isinailalim sa house arrest sa Pakistan noong Enero matapos ang ilang taon nitong kalayaan.


Ilang ulit ding itinanggi ni Saeed ang pagkakasangkot niya sa pagpapasabog sa dalawang luxury hotels, isang Jewish center at istasyon ng train sa Mumbai na nagdulot ng tensyon sa pagitan ng Pakistan at India.

Facebook Comments