Suspek sa pag-araro sa motorsiklo at dalawang sasakyan sa Commonwealth, Quezon City, nakalaya na

Quezon City – Laya na ang lalaking suspek sa pag-araro sa isang motorsiklo at dalawang sasakyan sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Makaraang sumailalim sa inquest proceeding, agad na nagpiyansa ng halagang 30-libong piso ang suspek na si NiƱo San Grabriel.

Ayon naman kay Richard Venturina ng Quezon City Anti-Crime Group, nakipag-alegro na rin sa kanya si San Gabriel kung saan pinalitan ang nasira niyang motorsiklo bukod pa ang 90-libong pisong bayad bilang danyos.


Una nang sinabi ng suspek na lasing lang siya kaya nagawang mang-araro ng mga sasakyan.

Facebook Comments