Isnilon Hapilon, buhay at nasa loob pa ng battle area sa Marawi

Manila, Philippines – Mas mabilis nang nababawi ng tropa ng pamahalaan ang mga lugar na dating pinagkukutaan ng Maute terror group.

Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez – nasa 400 hanggang 600 square meters na lang ang ginagalawan ngayon ng mga terorista.

Gayunman, kailangan pa rin nila tulong ng mga foreign expert para tuluyang mapasok ang mga nabawing gusali dahil na rin sa mga itinanim na bomba ng Maute.


Dagdag ni Galvez, nasa loob pa rin ng Marawi ang lider ng grupo na si Isnilon Hapilon habang malaki ang posibilidad na patay na ang karamihan sa magkakapatid na Maute.

Kahapon, pumanaw na rin ang ama nilang si Cayamora Maute.

Kaugnay nito, nakaalerto ngayon ang mga pulis at sundalo sakaling gumanti ang grupo.

Ito na ang ika-99 na araw ng bakbakan sa Marawi.

Posible pa umanong abutin ng dalawa hanggang tatlong linggo bago ganap na matapos ang giyera.

Facebook Comments