Saint Mary’s Cathedral sa Marawi City, nabawi na ng militar

Manila, Philippines – Nabawi na rin ng militar mula sa teroristang Maute group ang Saint Mary’s Cathedral na nasa Brgy. Marinaut, Marawi City.

Ayon kay Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Carlito Galvez, nabawi ang Catholic Church noong August 25.

Aniya, tatlong matataas na kalibre ng baril at sari-saring bala ang nakuha sa loob ng simbahan.


Una nang nag-viral ang video footages ng pagsira at pambabastos ng teroristang grupo sa mga imahe ng mga santo.

Facebook Comments