Nasa 43% pa lamang ang occupancy rates ng isolation at Intensive Care Unit (ICU) beds para sa mga pasyenteng may COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, ang occupancy rate ng isolation beds ay nasa 43.8% habang nasa 43.7% ang ICU beds.
Sinabi ni Vega na handa ang Pamahalaan na palawakin ang kapasidad ng mga ospital para sa mga COVID-19 patients.
Kailangang ihanda ang mga ospital sakaling tumaas pa ang kaso ng COVID-19 lalo na sa mga mayroong severe at critical cases.
Nabatid na naglabas ng kautusan ang DOH sa mga ospital na maglaan ng 30% ng kanilang resources sa mga COVID-19 patients, pero aminado ang ahensya na hindi nasusunod ito dahil hindi pare-parehas ang resources ng bawat ospital.
Facebook Comments