Halos isang milyong indibidwal, na-test para sa COVID-19

Aabot na sa halos isang milyong indibidwal ang na-test para sa COVID-19.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, nasa 85 COVID-19 testing laboratories na ang gumagana sa bansa.

Tiwala si Galvez na lalagpas sa higit isang milyong test ang maitatala sa mga susunod na araw.


Target ng Pamahalaan na maabot ang isang milyong test ngayong Hulyo at plano rin ng Pamahalaan na maabot ang 10 million test sa loob ng 10 buwan.

Mula nitong July 9, naabot na ng Pamahalaan ang 25,000 test kada araw, malapit sa target nitong 30,000 test.

Ang lumalawak na testing capacity ay bunsod ng pakikipagtulungan ng mga Local Government Units (LGUs).

Facebook Comments