Inirerekomenda ng isang eksperto na dapat i-isolate ang mga biyaherong galing ibang bansa na may sintomas ng monkeypox upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.
Ayon kay infectious disease expert Dr. Rontgene Solante, kailangang tutukan ang mga papasok na mga turista sa bansa at agad na i-report sa Department of Health (DOH) kung mayroong nakaramdaman ng sintomas ng naturang sakit.
Dagdag pa ni Solante na hindi agad ito ma-ikukumpara sa ibang bacterial infection dahil lumalabas ang mga rashes at kulani sa ika-pitong araw o higit pa.
Sa ngayon ay wala pang naiuulat na kaso ng monkeypox sa Pilipinas.
Samantala, iginiit din ng eksperto na sa halip na isara ang border ng bansa, ay dapat bigyang-diin ang kahalagahan ng screening ng mga biyahero na pumapasok sa bansa.