Pamunuan ng PA nagpaabot ng pagbati sa pagkapanalo ng kanilang mga kasama sa SEAG

61

Job well done!

Ito ang pagbati ni Philippine Army (PA) Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., sa dalawang tauhan ng Philippine Army na kasama sa Gilas Pilipinas Women basketball team, matapos manalo ng gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games (SEAG) kahapon.

Ang pagkapanalo ni Private First Class Janine Pontejos at Private First Class Chack Cabinbin ang unang gintong medalya ng mga atleta ng Philippine Army na kalahok sa 31st SEAG.


Sa kasalukuyan ang mga atleta ng PA ay nakakuha na ng dalawang ginto, limang silver, at 10 bronze medals sa basketball, lawn tennis, beach volleyball, chess, wrestling, sepak takraw, rowing, hurdles, at kurash events.

Ayon kay Lt. Gen. Brawner na ang pagkapanalo ng mga atleta ng PA ay nagdadala ng karangalan hindi lang sa buong organisasyon kundi maging sa buong bansa.

Facebook Comments