Isolation facilities para sa monkeypox cases, itatayo ng DOH

Magtatayo ang Department of Health (DOH) ng mga isolation facility dahil sa posibleng banta ng monkeypox virus na ngayon ay laganap na sa 12 mga bansa.

Ayon sa DOH, tinututukan na ng DOH Field Implementation and Coordination Team at One Hospital Command Center kung saan itatayo ang mga isolation facilities.

Matatandaang sinabi rin ni Health Undersecretary Abdullah Dumama Jr., na nagpapatupad na ang bansa ng four-door strategy sa pagpapaigting ng border control nang sa gayon ay maiwasang makapasok sa bansa ang monkeypox virus.


Samantala, nilinaw naman ng DOH na wala pang RT-PCR kit para sa monkeypox ang Pilipinas sakaling may mga taong pinaghihinalaang tamaan nito.

Sa ngayon ay umabot na sa 219 ang kumpirmadong kaso ng monkeypox sa buong mundo.

Facebook Comments